By: Mario Bautista
ROBIN PADILLA stars in the the year's first horror thriller, "Sundo", from the makers of the horror blockbuster "Ouija", GMA Films and Director Topel Lee. How is "Sundo" different from the first horror flick he did, "Kulimlim" by Maryo de los Reyes?
ROBIN PADILLA stars in the the year's first horror thriller, "Sundo", from the makers of the horror blockbuster "Ouija", GMA Films and Director Topel Lee. How is "Sundo" different from the first horror flick he did, "Kulimlim" by Maryo de los Reyes?
"Magkaiba sila," he says. "In 'Kulimlim', I'm possessed by dead criminals. Dito, I play Romano, an ex-soldier who goes into seclusion and can see spirits around people who'll soon die. Sila yung mga sumusundo. Sister ko si Rhian Ramos, who's blind. She persuades me to return to Manila with Sunshine Dizon, my childhood friend. On the way to Manila, kasabay namin sa sasakyan sina Katrina Halili, Glydel Mercado, Hero Angeles and our driver, Mark Bautista. Sa daan, we manage to avoid a fatal accident pero magiging dahilan yun para ang mga sundo ng bawat isa sa amin will try to get us. Ako yung magiging link para makatulong sa mga kasamahan ko nang hindi sila masundo and be taken to the other side. Sa 'Kulimlim', I did everything Direk Maryo asked me to. Ganundin dito kay Direk Topel, kahit may sarili kong interpretation sa scene, I followed him. He'd say dagdag dito, bawas diyan, pero sa isang eksena, kailangan kong umiyak and I told him bakit ako iiyak, e sundalo ko ritong sanay sa giyera? Inabot tuloy ng three days ang reshot ng eksenang yun."
How's it working with his younger co-stars? "Kay Sunshine, I was warned: siga yan, wag kang luluko-loko susuntukin ka niyan.Sabi ko, naku, sunshine ito, pero baka ma-sunset ako rito. But as the shooting went on, na-prove kong napakahusay niyang artista. Nararamdaman ko kasi tumatayo ang buhok ko sa husay niya. Si Rhian, the first time kaming magkakilala, sabi niya sa'kin: isa pong malaking karangalan na makatrabaho ko kayo. Na-touched ako. Kasi may mga nakatrabaho kong young stars before, pero walang respeto sa matatanda. Ang totoo, naiyak ako noon, di ko lang pinakita sa kanya. As an actress naman, napakahusay niya. Bulag siya rito at naka-contact lens siya maghapaon, but wala siyang reklamo. Ang bilin ko lang sa kanila, wag nila kong tatawaging tatay. Kuya lang. Kaya nagkasundo naman kami."
0 comments:
Post a Comment