Subscribe
Add to Technorati Favourites
Add to del.icio.us
Mar 10, 2009

WHEN I MET YOU MOVIE REVIEW

Posted by Shee

By: Mario Bautista

MABUTI NAMAN at sina Richard Gutierrez at KC Concepcion finally got the romantic flick they deserve in "When I Met U". Definitely, mas maganda ang pagkakagawa sa kabuuan nito kaysa sa kanilang debut movie na "For the First Time" na halatang minadali lalo na ang pangit na ending. , Dapat pasalamatan this time nina Chard at KC ang well written script of Aloy Adlawan and the fine direction of Joel Lamangan na ginawang fast-paced ang kuwento told with much humor at hindi nag-overtop sa mga eksena ng drama. Hindi ito mananalo ng awards pero tiyak na it will win a lot of hearts as the movie shows the triumph of true love.


Si Richard ay si Benjie at si KC naman ay si Jenny. Nagsimula ang kuwento na pareho silang already into a relationship. Nagkakilala sila by chance on the way to the wedding of a friend (Bubbles Paraiso) in Club Paradise, Palawan. Ang kanya-knayang sweethearts nila ay naroroon na waiting for them, si Albert (Alfred Vargas), isang mayamang businessman, for KC at si Tracy (Iya Villania), isang sosyal na pastry chef na ang mayamang mga magulang ay nasa Canada, for Richard.

Kapwa may utang na loob sina Benjie at Jenny sa kanilang mga kasintahan na tumutulong sa kanilang mga pamilya, lalo na si Benjie dahil si Tracy ang nagpaaral sa kanya at pinapautang pa nito lagi ang ama niyang sugarol (Tonton Gutierrez). The relationships of both parties are well defined kaya madaling makasimpatiya sa kanilang mga sitwasyon.

Isang piloto si Benjie and Jenny hitches a ride on his plane on the way to Palawan. Ngunit itinakda ng tadhanan ang eruplano will have engine trouble and they spend a night together marooned in an island where a magical kiss happens between them. Ang halik na ito ang nagpabago sa takbo ng lahat sa kanilang mga buhay and the viewers will no doubt be able to identify with the twists and turns in their respective and mutual stories. Maraming eksenang you can't help but feel for them, gaya ng tagpo sa supermarket kunsaan biglang lumitaw si Tracy habang nag-uusap sina Benjie at Jenny kaya napilitan silang magtago, na lalo pang grumabe nang pati si Albert ay dumating din doon. Cute din ang rainy night where Benjie visits Jenny in her room at ang bulag na ama ng dalaga (Tirso Cruz III) ay kumatok sa pinto and, later, gayundin si Albert.

Marami ng ginawang Valentine movies si Richard and this is certainly one of the best. It's as entertaining as his Valentine flick with Marian Rivera last year na "My Best Friend's Girl Friend", pero mas nakakakilig ito dahil mas may elektrisidad ang chemistry between him and KC. Talagang bagay sila sa big screen dahil parehong very classy ang dating nila. They both give winning performances at ang huling sequence na ipinapakita si KC in the middle of the airport hangar in her wedding dress habang ang mahabang-mahaba niyang belo ay tinatangay ng malakas na hangin ay talaga namang memorable at panalo ang dating.

Mahusay ang suportang ibinigay nina Alfred as the controlling boyfriend, Iya as the manipulative girlfriend, sina Cherry Pie Picache at Tirso Cruz III as KC's parents, Chariz Solomon as her wacky best friend, Bearwin Meily as Richard's sidekick, Chanda Romero bilang tiyahin ni KC na nakailang asawa na, at ang tunay na half brother ni Richard na si Tonton Gutierrez bilang bulagsak niyang ama. Bagay na bagay ring theme song ng movie ang kantang noon pang 70s ginawa ng APO Hiking Society.

0 comments:

Post a Comment