Subscribe
Add to Technorati Favourites
Add to del.icio.us
Feb 27, 2009

PADILLA'S ON BEBE GANDANGHARI

Posted by Shee

By: Mario Bautista

AS EXPECTED,
Robin Padilla was asked about his brother, Rustom aka BB Gandanghari. (Rustom says it's really spelled BB and not Bebe.) "Kunsaan siya masaya, masaya na rin ako," says Robin. "I even offered him to be co-director of 'Totoy Bato, but he said no kasi marami pa raw siyang ibang gustong gawin sa buhay. I was training in a gym in Baguio for my role in 'Totoy Bato' nang ibalita sa'kin ang pagbabalik niya sa Pilipinas as BB Gandanghari. Napalakas ang pagsuntok ko sa punching bag dahil dun."

It's only their eldest brother, Royette, who continues to resent Rustom's turning into BB, but Robin said he had already told Royette to just let Rustom be since they cannot do anything about it anyway. Their sister, Rema, was at the "Totoy Bato" presscon with their mom, Mrs. Eva Carino, and she revealed that she was the one who gave Rustom the name Binibining Gandanghari. "Combination yun ng femininity and masculinity. I give Rustom my full support sa anumang decision niya na ikaliligaya niya.. I was no longer surprised when he outed himself in Pinoy Big Brother kasi three years before that, nagtapat na siya sa akin. But he has no plan na magpa-sex change. I call him Tom up to now, yung dati kong tawag sa kanya. Kung sa sarili niya, si BB na siya, sa akin, si Tom pa rin siya. Actually, siya ang pinakamabait sa mga kapatid kong lalaki. Siya lang ang hindi nagbigay ng problema sa pamilya namin kaya masasabing siya ang pinaka-straight sa lahat. Walang puedeng manghusga sa kanya dahil wala siyang tinatapakang tao."

Even their mom has already accepted BB. "Noong una, na-high blood ako," she reveals. "Bakit kailangang patayin si Rustom? Pero later, naintindihan ko na meron siya talagang gustong gawin sa buhay niya at paninindigan na lang niya yung pagiging BB niya. When he called me up later sa phone, nagkatawanan na lang kami. Tinanong niya ko kung sino ang kamukha niya at sabi ko, 'Ako'. Tumawa siya and he said, 'Oo naman, ikaw talaga ang kamukha ko, Ma'. Tinanong niya kung okay lang talaga sa'kin ang ginawa niya at sabi ko, 'Decision mo yan. Wala naman akong magagawa. Kahit sino ka pa, anak pa rin kita. Basta huwag mong kalilimutan ang salita ng Diyos.' Sabi niya, wala naman daw siyang masamang ginagawa sa ibang tao. Ako naman, ayoko na siyang problemahin dahil baka mamatay lang ako sa kunsumisyon. Noong maliit pa siya, talagang guwapong-guwapo, ang puti-puti niya. Ang mga nakatatandang kapatid niya, ginawa siyang laruan.. Nilagyan siya ng makeup. Nang dumating ang tatay nila, pinalo siya. Sabi, huwag niyang uuliitin at sinigawan siyang 'Bakla! Bakla!' Kung buhay ang ama nila, siguradong hindi siya maglaladlad as BB."

0 comments:

Post a Comment